Saturday, 28 April 2012

Isang Sugat na Malayo sa Utak

Hiwa sa daliri..
Alam naman nating lahat na masakit ang mahiwa pero hindi ito maiiwasan...

Isang magandang 3:27 ng hapon maganda ang ihip ng hangin presko, kaya masarap magbabad sa TV at higit sa lahat masarap kumain... Wala akong mapiling makain pero hindi ko lubos maisip kung bakit mangga ang napili kong kainin at kung bakit hindi ko piniling magpatalop sa mga naka-katanda sa akin...Sobra akong nagsisi dahil isang madugong pangyayari ang naganap...Sa hindi inaasahang pangyayari nahiwa ako, para sa akin napakalaki nito at parang mapuputol na ang kalahati ng daliri ko, nagiiniyak ako akala ng mga kasama ko sa bahay eh kung ano yung nagsisinigaw at nag iiniyak sa kusina. Pagdating ng uncle ko tumambad sa kanya ang isang hinlalaking may hiwa at umaawas na dugo. Hindi ko inaakalang mangyayari sa akin yon, dati naman kahit magbalat pa ako ng sibuyas eh hindi ako nahihiwa yun, pala bagong hasa ang kutsilyong ginamit ko takot na takot ako dahil sa dugong umaawas sa hinlalaki ko at bukod don ay may dalawa pang rason... Ang una alam kong pagagalitan ako ng papa ko paguwi nya at alam kong huhusgahan ako ng mga taong makakabasa nito pero nilabanan ko ang mga kinatatakutan ko. Pinatawa ako ng pinatawa ng uncle ko hanggang sa tumahan ako at naglakas loob ako na i-post ito sa blog ko, ginawa ko yon para malaman nyong lahat na nakabasa ng blog kong ito na hindi namin gusto(para sa lahat ng nahiwa na) na mahiwa dahil sa alam naming sobra sa sakit ang mararanasan namin at kung gusto nyo akong husgahan, OK lang dahil hindi ko kayo masisisi... Pero ito lang po ang masasabi ko sa inyo, HINDI po masarap sa pakiramdam ang mahiwa at kung alam ko lang na mahihiwa ako bakit namang hindi ako magpabalat sa mga nakakatanda sa akin. Payo lang bilang isa sa mga batang nahiwa ng kutsilyo at iba pang mga nakakahiwang bagay, magpatulong tayo sa mga nakakatanda bago natin ito gamitin.

Thursday, 5 April 2012